Agarang aksyon at hindi panghuhusga ang kailangan para tugunan ang adolescent pregnancy crisis
- Published on August 25, 2025
- by @peoplesbalita
Sa isang privilege speech, nanawagan si Kabataan Partylist Rep. at Assistant Minority Leader Atty. Renee Louise Co na magkaroon ng isang komprehensibong aksyon upang tugunan ang nakakaalarmang pagtaas ng adolescent pregnancy rates sa bansa.
“adolescent and unwanted pregnancies are not a question of individual moral failing—it is a systemic crisis, a systemic failure.” pahayag ng mambabatas.
Inihayag pa nito ang mahigit sa 500 nakababata o young women na nanganganak araw araw sa Pilipinas, ayon na rin sa POPCOM data na naglalagay sa bansa sa isa sa may pinakamataas na adolescent birth rates sa ASEAN.
Iginiit ng mambabatas na mayorya sa adolescent pregnancies ay dulot ng violence at hindi ng kagustuhan o choice.
Aniya, batay na rin sa datos ng popcom, mahigit sa kalahati ng youth pregnancy cases ay kinabibilangan ng incestuous rape ng ama, tiyuhin o ibang nakakatandang kaanak na tumaas pa nitong nakalipas na pandemic.
“Sa halip na proteksyon, ang tahanan mismo—na dapat ay isang kanlungan kung saan tayo ligtas—ay nagiging kulungan ng pang-aabuso para sa maraming batang babae. This cycle of poverty and dependency is not accidental—it is maintained by systems that favor big business who exploit vulnerable women and young mothers in need of jobs and services. Corporate profit stands to benefit the most from the Adolescent Pregnancy epidemic,” dagdag ni Co.
Panahon na aniya para basain na ang ganitong uri ng cycles of neglect at exploitation.
Bukod sa paghihigpit sa implementasyon ng mga batas ukol sa VAWC, dapat umanong ioverhaul ang tugon ng estado sa violence against women and children.
Tulad aniya ng pagpapalawig sa pagkakaroon ng youth access sa reproductive health services, counseling, safe and democratic spaces, at clinics na hindi namamahiya sa mga naghahanap ng tulong.
Kaya naman muling isasampa natin ang Adolescent Pregnancy Prevention Bill sa 20th Congress. Wala na tayong oras para magpaligoy-ligoy. Every day we hesitate, another Sunshine is pushed deeper into the shadows. The future of our nation cannot shine while half of our youth are left in the dark,” pagtatapos ni Co. (Vina de guzman)