Medical allowance ng mga guro asahan na
- Published on August 25, 2025
- by @peoplesbalita

Sa pahayag ng Teachers Dignity Coalition (TDC), welcome sa kanila ng ginawang pagbabago sa guidelines na naisakatuparan isang araw matapos ang kanilang pakikipagpulong kay Budget Secretary Amenah Pangandaman ukol sa implementasyon ng nasabing allowance noong Agosto 19. Ang update ng direktiba ay inisyu sa DepEd memorandum noong Agosto 20.
“This is a positive step, and we appreciate that DepEd has listened to the voice of teachers,” ani TDC National Chairperson Benjo Basas.
Isa sa pangunahing opsiyon ngayon na idaan sa payroll disbursement, kung saan kailangang magsumite ng proof o katibayan ng medical expenses. Kinumpirma ng DepEd na dapat na i-release ng hindi lalagpas ng Agosto 31.
Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala ang TDC sa mga pagkaantala sa pag-release ng allowance para sa fiscal year 2025, dahil may apat na buwan na lang ang natitira bago matapos ang taon. Itinampok din ng grupo ang mga hamon na kinakaharap ng Schools Division Offices (SDOs) sa pagpapatupad ng Health Maintenance Organization (HMO) scheme.
Nagbabala si Basas laban sa mga potensyal na “fly-by-night” na HMO na naghahanap ng tubo mula sa P7,000 na alokasyon bawat guro, na idiniin na ang allowance ay dapat na pangunahing makinabang sa mga guro, hindi mga tagapamagitan.