Hindi rin nagpahuli sa galing sina Jak at Albie: RITA, puring-puri ni Direk JOEL sa pelikulang dinirek
- Published on August 25, 2025
- by @peoplesbalita
LIMA ang pelikulang napili sa kategoryang Full Length Feature sa 7th edition ng Sinag Maynila indie filmfest na gaganapin sa September 24-30, 2025.
Isa rito ang pelikula ng batikang direktor na si Joel Lamangan ang ‘Madawag ang Landas Patungong Pag-asa’ (The Teacher).
Bida rito si Rita Daniela kasama sina Jak Roberto at Albie Casiño.
Tinanong si direk Joel kung paano niya napapayag ang mga nabanggit na artista ng Sparkle GMA Artist Center na tanggapin ang kanyang pelikula.
“Paano ko nakumbinsi ang mga artista kong sumali sa aking pelikula? E, takot silang tumanggi!
“Kasi maraming oportunidad sa kanila ang maio-offer ng isang napakagandang istorya para makasama sila sa isang pelikula.
“Ang artista ko, si Rita Daniela, si Albie Casiño, si Jak Roberto, si Dorothy Gilmore, si Jim Pebanco. “Mostly artista ko na sila before.
“Kaya nang gumawa ako ng ibang buhay ng pelikula, na nagsasabi ng problema ng isang teacher at ng isang town… in-explain ko sa kanila kung ano ba ang istorya at kung ano ang role nila, hindi naman ako nahirapan.
“Hindi naman ako nahirapan. Nagkaroon lang ng konting hirap sa pagtawad sa kanilang talent fee.
“Pero nagawa naman, natawaran. Hindi namin maibigay ang kanilang mainstream talent fee. So may konting pakiusap.
“Yung pakiusap na yun, kasama na yung dapat kilitiin mo ang interes nila sa ganda ng role nila, sa akting na gagawin nila.
“Doon sila nakikiliti. At nakuha namin sila.”
Puring-puri ni direk Joel si Rita bilang artista.
“Mahusay si Rita Daniela dito. Ay! Sabihin niyo, nagyayabang ako! Panoorin ninyo!
“Mahusay rin si Jak Roberto, at si Albie Casiño. At ito, mahusay na kontrabida si Dorothy Gilmore, at si Jim Pebanco.
“Mahuhusay ang mga artista ko dito sa pelikulang ito. Hindi ko sasabihin kung hindi mahusay. “Panoorin ninyo. Maraming salamat po!”
Nasa cast rin ng pelikula sina Lou Veloso, Sue Prado, Paolo Angeles, Ynigo Delen, CX Navarro, Lester Llansang at Felixia Dizon.
Lima ang kategorya sa 7th Sinag Maynila indie filmfest.
Lima ang napili sa kategoryang Full Length Feature.
Apat ang finalists sa Documentary-Open Call, samantalang sampu ang contenders sa Documentary-Students.
Labing-anim ang kalahok sa Short Films-Open Call, samantalang dalawampu’t lima ang kasali sa Short Films-Students.
Very affordable, sa halagang 250, ang ticket price sa mga sinehan.
Mapapanood ang Sinag Maynila 2025 entries sa mga sinehan sa Gateway, SM Mall of Asia, SM Fairview Robinsons Manila at Robinsons Antipolo.
Ang Sinag Maynila ay itinatag nina direk Brillante Mendoza at Mr. Wilson Tieng noong 2015.
Bukod sa movie ni direk Joel ang iba pang kasali sa
Sinag Maynila 2025 (Full Length Feature) ay ang mga sumusunod: Altar Boy ng direktor na si Serville Poblete, starring Mark Bacolcol, Shai Barcia, at Pablo S.J. Quiogue; Candé directed by Kevin Pison Piamonte, starring JC Santos and Sunshine Teodoro; Jeongbu directed by Topel Lee, starring Aljur Abrenica, Ritz Azul, and Empress Schuck at Selda Tres (Cell Number 3) directed by GB Sampedro, starring Carla Abellana, JM de Guzman, and Cesar Montano.
(ROMMEL L. GONZALES)