• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 2:22 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Na-offend nang pagbintangang gumamit ng ChatGPT sa post: MAINE, patuloy na pinupuri dahil ‘di takot magsabi ng totoo

HINDI nga pinalampas ni Maine Mendoza at ipinakitang nairita siya matapos pagbintangan ng isang netizen na gumamit umano siya ng ChatGPT sa kanyang mahabang post X (dating Twitter).
Komento kasi ng isang X user na burado na ngayon, “Thank you, ChatGPT.” 
Na sinagot ng TV host at asawa ni Cong. Arjo Atayde ng, “Nakaka-offend sa mga taong noon pa nagsusulat at normal na gumagamit ng em dash.” 
Ang naturang post ni Maine na may 3.2 views na ay tungkol nga mahaba niya ng pahayag sa naging feelings niya noon para sa dating ka-loveteam na si Alden Richards.
May mga netizen naman ang nagtanggol kay Maine dahil alam nilang matagal na itong mahusay magsulat simula pa sa mga blogs niya.
Sa isang episode ng “Tamang Panahon” podcast ng Eat Bulaga, binalikan nga ni Maine ang love team nila ni Alden at inaming na-in love siya pero hindi naman siya niligawan ng aktor.
Part ng post ni Maine, “I believe it’s acceptable to reflect and openly discuss them for this podcast, especially now that it’s been a decade and all is well between the individuals involved, particularly me and Alden.
“There is no reason to exclude him from the story/our stories, despite his absence, because he was a big part of Kalyeserye—and it would have felt strange to leave him out.
Ilan nga sa papuring natanggap ni Maine…
“She’s always honest from the beginning.”
“This is for everyone y’all, a reminder, very timely. Well said Ms. Maine.”
“Grabe ang mga babae talaga sa mga 2015 loveteams ang bumubuhat sa kanila noon – Maine, Liza, Nadine, Kathryn – you will always be loved!!!”
“Kaya idol kita eh d takot sabihin ang totoo.”
“This is the reason y, like Maine among other female stars, her maturity, witt and straight forwardness, ayaw nya manloko/manggamit/mang-uto ng fans at mas lalong ‘di siya takot mawala sa showbiz.”
(ROHN ROMULO)