Mapapansin din ang closeness sa ina ni Mavy: ASHLEY, parte na ng pamilya at isa naging abala sa 50th birthday party ni CARMINA
- Published on August 25, 2025
- by @peoplesbalita
PARTE na nga ng Legaspi Family si Ashley Ortega dahil isa ito sa naging abala sa 50th birthday party ni Carmina Villarroel.
Sa Instagram Stories, pinost ng Sparkle star ang ilang photos na nakuhanan mula sa bonggang birthday party ni Mina.
Mapapansin din ang closeness nina Ashley at Carmina na ikinatutuwa ni Mavy Legaspi.
“Sina Mavy at Cassy, they are good in planning. Siguro ang naging ambag ko sa party ay kumanta ako. Naging karaoke night kasi ‘yun,” masayang chika ni Ashley na magsisimula nang mag-taping para sa GMA Afternoon Prime teleserye na ‘Sister’s Game’ kasama sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.
***
THANKFUL si Pinoy Big Brother Gen 11 alum and Ghosting star JM Ibarra sa naganap na advanced 25th birthday celebration organized by Team JM Ibarra.
“Ang birthday wish ko lang, hindi lang para sa akin, para sa lahat na rin na nandito, na sumusuporta sa akin at (sa) lahat ng nakapaligid sa akin is peace of mind lang talaga kasi ayon yung mahalaga ngayon. Sa panahon ngayon, parang ang daming tao na naghahanap ng kanilang peace of mind, so ‘yon yung wish ko,” sey ni JM.
Ang greatest life lesson daw niya noong nasa loob siya ng PBB house ay yung naging mature siya.
“Greatest lesson ko is yung naging mantra ko na to man up. ‘Yon yung best lesson na nakuha ko kay Kuya (Big Brother), na until now, binabaon ko pa rin talaga siya. Kasi kapag nire-remind ko lang sa sarili ko na, ‘JM, man up, man up, man up’, may lakas ako ng loob sa lahat ng bagay, sa lahat ng trabaho na pinapasok sa industriya. So, ‘yon yung the best.”
***
MARAMI ang natuwa sa nabuong relasyon sa Hollywood veteran stars na sina Liam Neeson at Pamela Anderson na nagsimula sa set comedy film na The Naked Gun.
“It just grew naturally. We didn’t force it, just allowed it to grow,” sey ni Liam na muling umibig pagkatapos niyang mabiyudo in 2009 dahil sa pagpanaw ng actress-wife niyang si Natasha Richardson dahil sa isang freak skiing accident.
Si Pamela na kinasal ng limang beses ay divorced na sa 5th husband niya na si Dan Hayhurst in 2022.
Inamin ng 58-year old Baywatch star na may magandand chemistry sila ni Liam: “We’re enjoying each other’s company. Liam is the perfect gentleman.”
Sagot naman ng 73-year old actor: “With Pamela, first off, I’m madly in love with her. She’s just terrific to work with. I can’t compliment her enough. She’s funny and so easy to work with.“
(RUEL J. MENDOZA)