• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 10:39 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa ghost flood projects sa Bulacan: ” I’m not disappointed but very angry.” 

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na galit na galit siya sa ghost flood projects sa Bulacan province.
Inihayag ito ng Pangulo matapos inspeksyunin ang pinatibay na konkretong riverwall project sa Barangay Piel, Baliuag.
”Extremely, more than disappointed, I’m actually… I’m getting very angry with what’s happening here… Nakaka… Papaano naman, 220 meters, P55 million completed ang record ng Public Works, [pero] walang ginawa. Kahit isang araw hindi nagtrabaho… Puntahan ninyo, wala kayong makita kahit ano… Tuloy-tuloy ang pagbaha doon sa kabila,” ang sinabi ng Pangulo.
Tinuran pa ng Pangulo na kung ang proyekto ay maayos na ipinatupad, malaking tulong ito sa irrigation system ng lalawigan.
”I’m not disappointed, I’m angry,” ang winika ni Pangulong Marcos.
Sa kabilang dako, base sa dokumento ng Department of Public Works and Highways, ang kontratista ng ‘reinforced concrete riverwall project’ sa Purok 4 ay Syms Construction Trading, na may kabuuang contract cost na P55,730,911.60.
Ang aktuwal na pagsisimula ng petsa na nakalagay ay February 2, 2025 at ang contract expiry date ay October 22, 2025.
Sa pag-inspeksyon naman ng Pangulo, sinabi nito na ‘as of June 2025″ sinasabi sa report na ang proyekto ay kompleto na at fully paid.
Sinabi pa nito na ang proyekto na kamakailan lamang inilunsad sumbongsapangulo.ph website, isang online portal kung saan maaaring magreklamo ang publiko ukol sa maanomalyang flood control programs.
”Wala kaming makita na kahit isang hollow block, isang ano ng semento, walang equipment dito. Lahat ng project na ito, ghost projects,” ayon sa Pangulo.
Nauna rito, nangako si Senate Blue Ribbon Committee Chair Sen. Rodante Marcoleta na nakahanda ang naturang komite na makipagtulungan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa gagawin nitong imbestigasyon sa mga ghost public infrastructure project.
Sa pagdinig ng komite sa naturang isyu, inamin ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na may mga ghost public infra project sa bansa, lalo na ang mga flood control.
Ngunit pagtitiyak ng kalihim, nagsasagawa na ang ahensiya ng mga serye ng imbestigasyon laban sa mga sangkot upang mkapaghain ang mga ito ng kaukulang kaso.
Ayon kay Sen. Marcoleta, nakahanda ang komite na tulungan ang DPWH sa imbestigasyon nito sa mga ghost project atbpang maanomalyang public infra projects, saanmang bahagi ng bansa.
Nakahanda rin aniya ang komite na mag-deputize ng isa nitong staff upang makatulong sa isasagawa nitong imbestigasyon.
Sa katunayan aniya, nakahanda rin siyang sumama sa mga field validation na gagawin ng DPWH sa lahat upang tukuyin ang kalidad ng mga itinatayong istraktura, kasabay ng malawakang imbestigasyon.
Hiniling din ng senador kay Sec. Bonoan na magpahiram muna ito ng isang backhoe upang tunguhin ang ilang project site at tingnan ang kalidad ng mga ito.
Pagbibiro pa ng makapangyarihang Blue Ribbon Committe chair, wala siyang kakayahang bayaran ang isang backhoe kaya’t nakiki-usap siya sa kalihim na maglaan muna mula sa kanilang mga heavy equipment. (Daris Jose)