LAGLAG sa selda ang isang kelot matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, sinabi ni Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento, nagtungo ang kanyang mga tauhan sa Brgy. Ugong para magsilbi ng arrest warrant laban sa isang idibidwal.
Pagdating ng mga operatiba ng Station Intelligene Section (SIS) sa Que Balag Street, Brgy. Ugong dakong alas-9:30 ng gabi, naispatan nila ang kanilang target na wanted person na may kasamang isang lalaki.
Gayunman, nang mapansin nito ang papalapit na mga operatiba ay mabilis itong nakaiwas at tumakas habang naiwan naman ang kanyang kasamang lalaki.
Dito, napansin ng mga operatiba ang nakasukbit na baril sa baywang ng 26-anyos na lalaki na si alyas "Edwin", kaya agad itong kinumpiska ng mga pulis.
Nang walang maipresentang ang suspek na mga dokumento hinggil sa ligaledad ng nakuha sa kanya na isang kalibre .38 revolver na kargado ng isang bala ay pinosasan siya ng mga tauhan ni Col. Talento.
Ayon sa pulisya, naipresenta na ang suspek sa inquest procedings para sa kasong paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act sa Valenzuela City Prosecutor's Office. (Richard Mesa)