• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 3:52 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 drug suspects, tiklo sa P106K droga sa Caloocan at Navotas

UMABOT sa mahigit P.1 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects na naaresto ng pulisya sa magkahiwalay na operation sa Caloocan at Navotas Cities.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Navotas Police Acting Chief P/Col. Renante Pinuela hinggil sa umano'y ilegal drug activities ni alyas "NiƱo," 31, listed bilang street-level individual (SLI).

Nang magawa ng isa sa mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na makipagtransaksyon sa suspek, ikinasa ng mga tauhan ni Col. Pinuela ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA.

Hindi na nakapalag ang suspek nang dambahin ng mga operatiba ng SDEU dakong alas-12:30 ng hating gabi matapos umanong tanggapin ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu sa M. Naval St., Barangay Bangkulasi.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 10.64 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P72,352.00 at isang markadong P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

Sa Caloocan, dinakip naman ng mga tauhan ni Caloocan Police Acting Chief P/Col. Joey Goforth si alyas "Gbaril", 26, matapos umanong pumalag nang sitahin sa paglabag nito sa city ordinance dakong ala-1:30 ng madaling araw sa Crispulo Street, Barangay 180.

Nang kapkapan, nakuha kay Gabril ang isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 5 grams ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng P34,000.00.

Pinuri naman ni P/BGen. Jerry Protacio, District Director ng Northern Police District, ang arresting teams sa kanilang kasipagan at professionalism na binibigyang-diin ang hindi natitinag na pangako sa pangangalaga sa kaligtasan ng publiko. (Richard Mesa)