Mt. Kamuning papalitan ng isang commuter-friendly concourse
- Published on August 21, 2025
- by @peoplesbalita

Inaasahan na magiging operasyonal ang Kamuning Busway concourse ngayon darating na December. Ang nasabing concourse ay tulad ng SM North EDSA Busway concourse na may mag elevators at guided walkways. Ang disenyo ay tutugma rin sa
gagawing proyekto sa rehabilitasyon ng EDSA Busway
Aalisin ang mga mataas na stairways na kung saan ang mga pasahero ay nagbibiro na matagumpay na nilang napuntahan ang tuktok ng Mt.Kamuning.
Ang bagong concourse ay magkakaroon ng mas malawak na staircases na may mga elevators at wheelchair lifts para sa mga PWDs at senior citizens. Lalagyan din ito ng
malawak na overhangs na magbibigay ng proteksyon sa mga pasahero mula sa init ng araw at ulan.
“The concourse itself features an expanded platform, with bigger signage to help commuters navigate through the terminal and the overall busway. If the new concourse indeed follows the blueprint from the rehabilitation project, it will also be equipped with
outposts for security personnel and custodial teams, as well guided walkways for visually impaired commuters,” wika ni DOTr Secretary Vince Dizon.
Sa gagawing rehabilitasyon, ang istasyon sa EDSA Busway ng Monumento, Bagong Barrio, North Avenue, at Guadalupe ay babaguhin at itutulad sa istasyon ng Kamuning concourse. Habang gagawin naman ang bagong istasyon sa Paranaque
Integrated Terminal Exchange (PITX) at Cubao. Inaasahang matatapos ang dalawang nasabing istasyon sa pagitan ng second at third quarters ng 2026.
Sa kabilang dako naman, sinabi pa rin ng DOTr na nasa plano nila ang panibagong paglulunsad ng dating Love Bus sa buong bansa bago matapos ang taon.
Ayon kay President Ferdinand Marcos, Jr. na ang proyekto ay mayroon ng ginagawang pilot testing sa Cebu at Davao na ilulungsad din sa mga lungsod sa Visayas
at Mindanao.
Naghahanda na ang DOTr sa maaaring maganap na roll-out ng libreng transportasyong linya ng Love Bus bago matapos ang taon.
“The Love Bus will feature a slightly updated logo on a new provincial unit. It will adopt a more minimalist look, using fewer colors and accents while retaining blue base and white stripe across the middle,” saad ni Dizon.
Noong taong 2022 ay naglabas ang Hino Motors Philippines ng katulad ng Love Bus. Mayroon itong katulad na kulay subalit inalis ang heart-shaped border sa paikot ng logo na kaiba mula sa kung ano ang ilulunsad ng DOTr. LASACMAR