• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BBM, opisyal na inilunsad ang ‘sumbungan ng bayan’ na may kinalaman sa maanomalyang flood control projects

OPISYAL na inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang sumbongsapangulo.phhttps://sumbongsapangulo.ph/, isang online platform na dinisenyo para magbigay sa publiko ng ‘access to information’ ukol sa flood control projects sa buong bansa habang pinapayagan ang mga mamamayan na magsumbong ng anumang iregularidad.

“(We) put it into a form that is accessible to the public, and most importantly, it is in a form that the public can use so that they can first identify the flood control projects that are within their area,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“If they already have information, they can tell us about it. Kung maganda ang naging project, kung hindi naging maganda yung project, anong naging problema,” aniya pa rin.

Sinabi ng Pangulo na mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan sa pagmamatyag at paghuli ng mga maanomalya at tiyakin ang transparency sa implementasyon ng P545-billion flood control program simula mid-July 2022 nang magsimula ang kanyang termino.

“Of course, we want the people who have taken advantage of the system to pay. And if there is evidence of corruption, of embezzlement, of any kind of wrongdoing, that’s when we will move,” ang winika ng Pangulo.

“We cannot do all of this without the help of the ordinary citizen,” aniya pa rin, binigyang diin ni Pangulong Marcos na mas maraming mata, mas mabuti sa pagsusuri ng mga proyekto.

Kaya nga, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga mamamayang Filipino na maghain ng kanilang reklamo, feedback, at obserbasyon sa pamamagitan ng website, at tiniyak nito na “ako mismo… babasahin ko bawat isa.”

Samantala, ang paglulunsad ng reporting platform ay kasunod direktiba ng Pangulo sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address para i-audit ang flood control projects habang nangako naman ang gobyerno na paghuhusayin ang transparency at siguraduhin ang accountability sa infrastructure spending. (Daris Jose)