Kamara, itutuloy pa ring mapanagot si VP Sara sa alegasyon ng misuse ng P612.5 milyong confidential funds
- Published on August 12, 2025
- by @peoplesbalita
PAHAYAG ito nina Deputy Speakers Paolo Ortega V ng La Union at Jay Khonghun ng Zambales kasunod ng sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na ang desisyon ng Supreme Court (SC) na nagdedeklarang unconstitutional ang impeachment complaint laban kay VP Duterte ay hindi nagresolba sa pananagutan nito.
“I agree with the President. The Supreme Court decision delved on procedural issues but not on the alleged misuse of CIFs received by the Office of the Vice President and the Department of Education when she was education secretary,” ani Ortega.
Ayon sa mambabatas, ang bahagi sa isyu ng accountability ay hindi pa nareresolbahan kung kaya intensiyon nilang tatanunging ang vp na bigyang linaw ang naturang pondo at sagutin kung papaano ito ginamit.
Sinabi naman ni Khonghunna ang buong 93 pahinang desisyon ng SC ay para sa proseso ng impeachment at rules ng kamara at hindi nito pinawawalang sala si VP Duterte sa usapin ng P612.5 M na natanggap ng kanyang opisina.
“In other words, the Vice President is not yet off the hook on the use of this large amount of taxpayers’ money. We will pursue accountability on her part wherever it takes us,” anang mambabatas.
Hindi rin aniya totoo ang lumalabas sa ilang social media posts na nagsasabing naabsuwelto na ang VP.
“The Duterte camp’s trolls and disinformation peddlers are busy at work again,” dagdag nito.
Umaasa na lamang ang mga mambabatas na mababaligdad ang unang desisyo ng SC upang matuloy ang impeachment trial.
Ngunit, kung hindi nagbago ang desisyon ay tatalakayin na lamang nila ito pagdating ng Pebrero 6, 2026, kung papaano ituloy na mapanagot ang VP ukol sa milyong confidential funds nito noong 2022 at 2023.
Sa ilalim ng SC ruling, sa Pebrero 6 matatapos ang one-year period kung saan maaaring maghain ng impeachment complaint laban sa vp.
(Vina de Guzman)