• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nakipagpulong sa mga opisyal ng tinaguriang ‘largest dialysis care network’ ng Asya

NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga pinuno ng tinaguriang “largest dialysis network” ng Asya para sa mas malalim na pagtutulungan sa pagsusulong ng universal healthcare sa bansa.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang miting ay bahagi ng agenda ni Pangulong Marcos sa Bangalore — ang final leg ng kanyang five-day state visit sa India.
Sa isang social media post, sinabi ng PCO na nakapulong ng Pangulo ang mga opisyal mula sa NephroPlus para muling pagtibayin ang commitment kapuwa ng Pilipinas at India sa pagpapalawak ng access sa high-quality, patient-centered renal care.
“They decided to have a meeting with us, especially now that our rates are P6,350 (from P2,500) per session for each dialysis patient. So they are seeing that it’s now going to be very profitable,” ang sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa isang panayam.
“That’s good because then the government does not have to build many dialysis centers; all it does is make sure that the private sector does provide quality dialysis for Filipinos,” aniya pa rin.
Ang NephroPlus ay kinokonsiderang “Asia’s most extensive dialysis care network’ na nago-operate sa India, Nepal, Pilipinas at Uzbekistan, na may mahigit sa 400 clinics across sa buong kontinente.
Ayon sa National Kidney and Transplant Institute, may 64,845 na mga filipino ang naitala na sumailalim sa dialysis treatment noong 2024 , 22% na mas mataas kaysa sa 53,296 na naitala noong 2023.
Samantala, ‘as of March 2025’, iniulat ng Philippine Renal Disease Registry ng Department of Health na ang hypertensive nephrosclerosis ay kabilang sa 33.07% kidney disease cases sa bansa.
Sumunod ang diabetic nephropathy na may 30.04% at chronic glomerulonephritis na may 12.20%.
( Daris Jose)