• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinagtibay ang commitment ng Pinas na panindigan ang ‘Asean principles’

MULING pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang commitment ng Pilipinas na panindigan ang Association of Southeast Asian Nations’ (ASEAN) principles at isulong ang regional development.
“We will uphold ASEAN principles and continue the region’s legacy of lasting peace and shared progress as we navigate our future together,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang video message para sa 58th ASEAN founding anniversary na in-upload sa state-run Radio Television MalacaƱang.
Ang Pilipinas, kasama ang Indonesia, Malaysia, Singapore, at Thailand, tinintahan noong Aug. 8, 1967, ang ASEAN Declaration, na nagtatakda ng kolaborasyon ng regional bloc at pagtutulungan alinsunod sa ‘kaunlaran ng ekonomiya at kapayapaan sa rehiyon at katatagan.’
Ang iba pang SEAN member-states ay Brunei Darussalam, Cambodia, Lao PDR, Myanmar, at Vietnam.
Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang papel ng Pilipinas sa paglalatag ng pundasyon para sa isang rehiyon “anchored on peace, cooperation, shared progress, and prosperity.”
“Guided by the purpose and principles of ASEAN enshrined in its Charter, we have stood together in navigating evolving regional and global challenges over the years,” ayon sa Pangulo.
“Through solidarity and dialogue, we have also fostered mutually beneficial partnerships and we have advanced initiatives that uplift the lives of peoples and communities.” aniya pa rin.
Ang Pilipinas ay nakikipag-ugnayan sa Malaysia, kasalukuyang chair 10-member regional bloc, sa paghahanda ng bansa para sa pagho-host ng ASEAN meetings sa 2026.
Tanggap naman ni Pangulong Marcos na sa ilalim ng Malaysia’s chairship, ang ASEAN ay pinapatnubayan ng tema ng ‘inclusivity at sustainability.’
“This reflects not only the enduring aspirations of our region, but also the shared responsibilities that we must embrace in today’s dynamic and complex global environment,” anito.
“As the Philippines assumes the ASEAN Chairship in 2026, we will build on ASEAN’s achievements in responding to the region’s evolving priorities and in facing emerging challenges,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Ang ASEAN, itinuturing na fifth-largest economy ng buong mundo, nagpapanatili ng positibong paglago at patuloy na nagpapakita ng ‘economic resilience’ na may paglago na 4.7% noong 2024.
Samantala, ang kabuuang kalakalan ng bloc sa mga goods ay umabot na sa USD3.5 trillion noong 2024, habang ang foreign direct investment (FDI) ay sumirit sa USD229.8 billion, ipinako ang posisyon ng rehiyon bilang top investment destination sa hanay ng mga developing economies, ayon sa annual report ng rehiyon. (Daris Jose)