• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US pinasalamatan sa karagdagang tulong

PINASALAMATAN ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang United States government sa karagdagang alokasyon na ₱13.8 million ($250,000) na emergency shelter assistance at hygiene kits para sa 3,000 pamilyang Pilipino na naapektuhan ng matinding pagbaha dala ng bagyo at habagat nitong naklipas na Hulyo.
Ayon sa Speaker, ang nasabing tulong ay sumasalamin sa malakas na partnership sa pagitan ng Pilipinas at US.
“We deeply appreciate this generous assistance, which will significantly help many of our kababayans as they rebuild their homes and regain a sense of normalcy. This gesture from Washington reaffirms the U.S.’s unwavering commitment to stand with the Filipino people in both good times and in times of great need,” ani Romualdez.
Nitong Biyernes, inihayag ng U.S. Embassy sa Manila ang karagdagang pondo na ilalaan sa emergency shelter materials at hygiene kits para sa tinatayang nasa 15,000 indibidwal na nananatili sa mga evacuation centers sa probinsiya ng Rizal, Laguna, Bulacan at Pampanga.
Sa pamamagitan nitong supplemental assistance, ang total U.S. humanitarian support para sa disaster response efforts sa Pilipinas ay umabot na sa ₱27.6 million ($500,000).
Ang International Organization for Migration (IOM), sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang mamamahagi ng shelter-grade tarpaulins, repair kits, at essential household items sa pamilyang nasira ang bahay.
Ang bawat kit ay naglalaman ng basic construction tools at materials na magagamit sa pagpapatayo muli ng kanilang kabahayan habang nilalaman naman ng hygiene kits ay sabon, timba at cleaning supplie. Ang IOM ay magmomonitor ng sanitation conditions sa evacuation centers upang makatulong na maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Hinikayat  naman ni Speaker Romualdez ang DSWD na siguruhin ang episyente at transparent na pamamahagi ng tulong.
Nanawagan din ito sa iba pang government agencies at local government units na siguruhin na ang mga pamilyang nasa evacuation centers ay may access sa malinis, safe hygiene at sanitation facilities.
(Vina de Guzman uzman)