• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGPUPULONG NG MGA KATIPUNEROS,  GINUNITA SA CAVITE

SA KAUNA-unahang pagkakataon, ipinagdiwang ang ika -127 Anibersaryo ng “Pagpupulong ng mga Kaputineros”
na ginanap sa Bahay na Tisa, Cuenca House  sa Bacoor City Cavite.
Ang  Bacoor Assembly ay naganap noong August 1 1898 sa Bacoor Cavite  kung saan ang 1 August Acta de Independencia  ay nilagdaan ng mga pinunong sibiko na higit  sa 186  na mga pinuno mula sa 16 na probinsiya  na  pumirma sa naturang pahayag.
Ang 16 na lalawigang ito ay nagpadala ng kanilang  mga demokratikong halal na pinuno  ss assemblea upang patunayan  kay Pangulong Aguinsldo  na ang isang malaking bahagi ng bansa  ay nagkakaisa sa bisyon at pamahalaan.  Ito ay pinangunahan nina  President Emilio Aguinaldo  at Apolinario Mabini.
Sinabi ni 1st District Representative Lanie Mercado -Revilla na  mahalaga ang pag-alala sa kasaysayan  katulad  ng lihim na pagpupulong sa Bacoor Cavite sa pangunguna ni Heneral Emilio Aguinaldo.
Ayon pa kay Revilla,  ito rin ang kauna-unahang pagdiriwang na ginanap sa Bahay na Tisa matapos mapirmahan ng mismong may -akda na si Sen Loren Legrada na siya ring pangunahing pandangal sa nasabing okasyon  at nag-alay ng bulaklak  sa harapan ng lumang bahay.
Paliwanag naman ng  National Historical Commission of the Philippines, na sa Acta, ang pagdedeklara ng Kalayaan ng Pilipinas ay pinagtibay hindi lamang bilang isang tagumpay sa larangan ng militar kundi, at kasinghalaga rin bilang isang gawaing sibiko.
Bagama’t ang  paggunita sa Araw ng Kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo ay nananatiling makapangyarihan at simbolikong paggunita ng kasaysayan, ito ay kalauna’y pinagtibay at pinalawak ng Acta de Independencia, na nagbukas ng mas malawak na sibikong pakikilahok. Ito ang nagbigay daan upang magkaroon ang deklarasyon ng mas pormal at mas inklusibong saligan.
Kasama rin sa programa sina Chair Regalado Trota Jose Jr ng National Historical Commission, Kinatawan  ng ikalawang distrito  ng Cavite na si Lani Mercado Revilla, Tagapangulo ng NCCA na si Victorino Mapa Manalo, Alkalde ng lungsod ng Bacoor na si Strike Revilla at Bise Alkalde Rowena Bautista – Mendiola . ( Gene  Adsuara)