• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos malagay sa hot water… DPWH secretary, pinababakasyon muna

HINIKAYAT ni Bacolod lone district Rep. Albee Benitez si Public Works and Highways Sec. Manuel Bonoan na magbakasyon muna matapos malagay sa hot water ang kanyang ahensiya dahil sa kabiguan ng ilang flood control projects sa bansa.
“Out of delicadeza, and to help preserve the integrity of any inquiry, I respectfully urge the DPWH Secretary to take a leave of absence while the investigation is ongoing. This simple act of good faith will go a long way toward restoring public trust and ensuring that the process is impartial and credible,” pahayag ni Benitez sa kanyang Facebook page.
Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod na rin sa kautusan ni Pangulong Marcos sa DPWH na magsumite ng listahan ng flood control projects na ginawa simula ng kanyang administration noong 2022, at isa-ilalim ang lahat ng flood control structures sa audit at performance reviews.
Una ng tinuligsa ni Marcos sa kanyang State of the Nation Address ang naging kabiguan ng mga flood control projects para masawata ang pagbaha dulot ng pag-uulan sanhi na rin ng bagyo at habagat na tumama sa bansa.
Tinuligsa din ng presidente ang mga opiyal at contractors na kumita sa flood control projects na nabigo that failed to mitigate floodwaters during the onslaught of monsoon rain na makontrol ang pagbaha.
Kinuwestiyon din ni Benitez ang pananatili pa ni Bonoan sa departamento na iniimbestigahan.
“When there are questions about a company’s finances, you don’t ask the accountant to audit himself. You bring in someone independent to find the truth,” pahayag ng mambabatas.
(Vina de Guzman)