Malabon LGU, nagsagawa ng mega job fair
- Published on August 2, 2025
- by @peoplesbalita
LIBO-LIBONG naghahanap ng trabaho ang dumagsa sa isinagawang Mega Job Fair ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon na inorganisa ng Public EmploymentService Office (PESO) na ginanap sa Robinsons Town Mall Malabon. Ayon Kay Mayor Jeannie Sandoval, layun nito na mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat Malabueno at sa pamamagitan aniya ng pagbibigay ng acces sa trabaho at kabuhayan, mabibigyan ng pag-asa ang kanilang mga kababayan at pinapalakas nito ang lokal na ekonomiya. (Richard Mesa)