4 KOREAN FUGITIVES, ARESTADO SA PAMPANGA
- Published on August 1, 2025
- by @peoplesbalita
NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na puganteng Korean national naa sangkot sa online fraud sa Angeles City,Pampanga.
Kinilala ang mga suspek na sina Ham Seong Hwan, Kim Jongbaek, Kim Taekyeong, at Park Jinhyung—na naaktuhan sa isang bahay sa loob ng Clark Freeport Zone habang nagsasagawa ng panloloko gamit ang mga pekeng travel sites, bogus flights, at pekeng hotel bookings.
Isinagawa ang operasyon katuwang ang Korean authorities, Philippine Air Force at Clark Development Corporation , ayon kay BI Commissioner Joel Viado.
Itinuturing na utak ng operasyon si Park Jinhyung, na lumalabas na overstaying na mula pa noong 2024.
Samantala, naaresto rin sa parehong araw ang isa pang Koreanong si Park Youngjun, sa bisa ng Interpol red notice para sa kasong fraud sa South Korea.
Sa ulat, gumamit si Park ng pekeng account para manloko ng viewers sa isang sikat na live-streaming platform sa Korea, kung saan kumita siya ng ₩4.6 million o mahigit ₱190,000.
Nasa kustodiya na ng BI ang mga suspek habang isinasailalim sa deportation proceedings.
(Gene Adsuara)