• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Trabaho lang at kailangan na paghandaan: JC, sanay na sa matitinding bedscene at kissing scene

HINDI baguhan si JC Santos pagdating sa mga matinding bedscene at kissing scene sa pelikula.
In fact, nabinyagan siya sa ganitong love scene sa isang pelikula kung saan lalaking artista ang kaeksena niya; ito ay sa 2014 indie film na ‘Esprit de Corps’ sa CinemaOne Originals.
“Lalake ang ka-kissing scene ko, sila Lharby Policarpio and Sandino Martin.
“Torrid yun. If there’s anything na pinakamalala kong kissing scene, that would be it,” saad ni JC.
Para kay JC, trabaho lang, walang personalan ang mga delikadong eksenang ginagawa niya sa harap ng kamera.
“Siguro ako lang, ayokong mawawala ka na lang sa eksena.
“Ako naman, walang acting yun pag nadala ka na. Di na yun work. It should be choreographed para magmukhang totoo.
“Yun ang challenge dun kasi we want to sell it to the audience na mukha siyang totoo.
Bukod sa rehearsal, may permiso iyon ng bawat magkaeksena.
“Of course, pero, siyempre isa lang actually yung rehearsal, ‘di pa naman yun yung actual.
“Maybe even yung mga na-i-in love sa mga co-actors, it’s not my process kasi wala yung acting dun.
“Kasi nandun ako sa acting, ayoko nang nadadala.
At dapat raw na pinaghahandaan ang mga intimate scenes.
“Aside from hygiene, gusto ko sana maging presentable man lang ako sa co-actor ko.
“Mas technical ako, I need to know kung paano ko hahawakan or kung paano magiging comfortable sa akin yung co-actor ko. Is it okay if I have to kiss her here, okay lang ba?
“May consent muna, pinag-uusapan.
“Kasi gusto ko hanggang dun lang yung parameters din kung saan kumportable siya at may consent din. Ayoko nang mabibigla din siya.
Sa pelikulang ‘Meg & Ryan’ ay si Rhian Ramos ang kapareha ni JC, at happy ang misis niyang si Shyleena Herrera.
“Kay Rhian nung time na yun, alam niya na maganda yung kuwento, nagustuhan niya.”
Ipapalabas ito sa mga sinehan sa August 6, 2025 at sa mga bansang Australia at New Zealand sa August 14, 2025.
Mula sa direksyon ni Catherine O. Camarillo at panulat ni Gina Marissa Tagasa, nasa pelikula rin sina Cedrick Juan, Ces Quesada, Cris Villanueva, Jef Gaitan at introducing naman sina J-mee Katanyag, Steven Bansil, Poca Osinaga & Alison Black.
***
BILANG rock icon, naranasan na ni Mike Hanopol na mag-perform sa isang concert may tao man o wala.
Tulad sa isang concert noon sa Amerika kung saan kasama niya si Freddie Aguilar noong nabubuhay pa ito.
“Puno! Marami pang tao sa labas, punong-puno talaga. Sising-sisi kami, si Freddie nagsisi dahil 300 lang ang dala niyang CD, kulang na kulang.
“Ubos na, ang dami pang nakapila.
“Ang haba ng pila. 46,000. Ang laki ng venue, grabe!
“Pero ito ang maganda, sa akin naman, in my case, ako lang mag-isa, sa tanang buhay ko, tanang buhay ko, ewan ko kung sino na dito sa ating Pilipino artist or singer or whatever na nakatugtog na sa buong Pilipino, 1 million.
“Iyon ang puwede kong ipagmalaki sa inyo. Dahil ako lang yata ang nakatugtog dito ng 1 million katao, ako lang mag-isa.
“Pero tinanong ko… ano nun, Labor Day e, sa Luneta ginawa, Grandstand, ako lang, Mike Hanopol lang, sabi ko, ‘Sir ilan ang tao?’, ‘Sir 1 million na, e.’ ‘1 million? Wow! Ang tindi! Totoo yan?’
“Pag napuno yang Luneta 1 million yan, e. Labor Day, government ang nag-hire sa akin kaya napuno talaga, grabe!
“Pero maniwala kayo sa hindi, nakatugtog na rin ako na walang tao, walang tao! Tumutugtog ako sa Miami, Florida, ang may-ari ng club…ang pangalan ng club, Zanzibar, ang may-ari mga celebrity sa Amerika.
“You name it, Michael Jackson, Eric Clapton, Bee Gees, lahat ng celebrity, may-ari nung condo. “Madalas wala sila dahil may mga shooting, may mga tugtog, may concert, whatever, so madalas wala sila.
“So kami throughout the way na tumutugtog dun, walang tao. As in, walang tao, singer lang at saka may mga cook, pumupunta dun, nanonood, sila nagpapakain sa amin.
“Iyan ang experience ko sa tugtugan.  Walang tao, puwede akong tumugtog walang tao, oo, puwede akong tumugtog, isa lang.
“Puwede dalawa lang.”
Samantala ang ‘Jeproks: The Musical’ ay halaw sa mga kanta ni Mike.
Mula ito sa The Hammock Production, Inc. (ni Johnny Blue) at Tanghalang Una Obra ni Frannie Zamora na siya ring direktor ng musical na pagbibidahan ng theater actor na si David Ezra na anak ng music icon na si Dulce.
Mapapanood ang Jeproks The Musical ngayong  Nobyembre 21-23 at 27-30, 2025 sa GSIS Theater, J. W. Diokno Blvd., CCP Complex, Pasay City.
Sa panulat ito ni Nicolas Pichay at magtatampok ng labinlimang awitin ni Mike.
 
(ROMMEL GONZALES)