• April 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Viral pa rin ang video na kumakain ng tawilis: VILMA, ipinagdiinang safe na kainin ang mga isdang mula sa Taal Lake

HANGGANG ngayon ay viral pa rin ang isang video kung saan ipinakitang kumakain si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ng isdang tawilis.
Parang TVC o ad sa TV lang ang peg ng video na ‘yon kung saan binanggit pa ni Ate Vi na safe kainin ang naturang isda na nahuhuli sa Taal Lake.
Naging usap-usapan kasi sa mga news sa Taal Lake itinapon ang mga nawawalang sabungero. Kaya may mga umiiwas muna na kumain ng mga isdang nahuhuli sa Taal Lake na kagaya ng tawilis, tilapia, bangus at maliputo.
Kaya nga naging matumal at naging apektado ang benta sa palengke lalo na ng tawilis na panorito namin.
Pati raw sa mga restaurant at mga kainan sa Batangas, Cavite at Laguna ay naramdaman din ang pakonti-konti ng mga bumibili rito.
Nilinaw naman agad ni Ate Vi na non-carnivorous ang tawilis, meaning, hindi kumakain ng anumang karne.
Kimbaga ito ay planktivorous ang mga na kung saan ang kinakain ay planktons.
Bukod dito’y iginiit ni Ate Vi na cultured ang mga isdang ito at iba pa tulad ng bangus na inaalagaan sa mga fishpens.
“Nothing to worry,” paniniyak ng premyadong aktres na panay kain ng tinitinidor na tawilis.
“Enjoy tawilis, enjoy tilapia, enjoy bangus and maliputo,” seryoso pang banggit ni Ate Vi.
***
Ang OPM icon at stage veteran actress na si Pinky Marquez ang the very first winner ng P1 million jackpot prize sa pinakabagong season ng “Rainbow Rumble”.
Nakuha ni Pinky ang anim na iba’t ibang kulay sa Rainbow Reveal noong Sabado (Hulyo 19).
“I can’t believe. I’ve never won in a contest in my life. I’d like to say thank you for the opportunity,” sey pa ni Pinky matapos siyang idineklera ni Luis Manzano bilang unang Rainbow Rumble master ng ikalawang season ng game show.
Dagdag niya na gagamitin niya ang jackpot prize para mas matulungan pa ang dalawang eskwelahan na kanyang sinusuportahan.
Sa Rally To The Top, nanguna siya laban sa kapwa OPM icons ngunit sinubok din siya ni Celeste Legaspi na ginamit ang kanyang atras power para pabalikin si Pinky. Ngunit naging determinado si Pinky kaya naman nauna pa rin siyang nakarating sa tri-colored tile at nanalo ng P71,000.
Hindi nagtapos ang kanyang swerte sa elimination round dahil nasagutan din niya ang tatlo sa anim na rapid fire questions kaya naman nakasungkit din siya ng isang libreng kulay sa DRM sa jackpot round. Nakuha nga niya ang anim na kulay ng may 8 segundo pa ang natitira para maiuwi ang P1 milyon jackpot prize.
Samantala nitong linggo, sinubok ng Rainbow Rumble ang talino, diskarte, at swerte ng ABS-CBN reporters na sina Adrian Ayalin, Ariel Rojas, Anjo Bagaoisan, Denice Dinsay, at Lyza Aquino. Si Adrian ang maswerteng na­nguna sa elimination round at umabot sa Rainbow Reveal kung saan nakakuha lamang siya ng apat na kulay. Nag-uwi naman siya ng kabuuang premyo na P85,000.
Mapapanood ang bagong set ng rumblers sa Rainbow Rumble tuwing Sabado at Linggo, 6:15PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ALLTV at iWant.
(JIMI C. ESCALA)