• April 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinagkaguluhan habang nag-aalay ng awitin: PIOLO, sinuportahan si RHEA bilang president ng Rotary Club ng Balibago

PINAGKAGULUHAN ang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual sa naganap na 16th Induction and Turn-over Ceremonies ng Rotary Club of Balibago kung saan nanumpa ang nahirang na president ang Beautèderm CEO and founder na si Ms. Rhea Anicoche Tan.
Nasorpresa nga ang mga dumalo sa naturang event nang dumating si Papa P para suportahan si Miss Rei. Nag-alay ito ng dalawang kanta, at ang “She” ay dedicated talaga para successful busineswoman and philanthropist.
Sa second song ni Piolo, hindi na napigilan ng mga babaing guests na magpa-selfie sa award-winning actor, kahit na kumakanta pa siya.  Sa totoo lang, nakakikilig naman talaga siya, kaya pinagkakaguluhan.
Anyway, star-studded ang naturang event dahil all-out ang support ng mga celebrity brand ambassador ni Ms. Rei na ginanap sa Hilton Clark Sun Valley Resort last July 18 .
Bukod kay Miss Rhea, kasama rin sa mga bagong officer ng Rotary Club of Balibago ang mga trusted employees niya na sina Mylene Timbol, Chona Lee, at Doreen Canyong.
Present siyempre ang super supportive mother ni Miss Rhea na si Mommy Pacita Anicoche na may bonggang speech para sa anak. Hindi rin mawawala ang mga anak niyang sina Adam Kenneth at Audrey Tan.
Ang nagsilbing event host si DJ JhaiHo at nag-perform din sina Pepita Curtis, Kitkat,  Jojo Abellana, at Kakai Bautista.  Ang iba pang Beautederm ambassadors na dumalo ay sina Ejay Falcon, Alma Concepcion, Maricel Morales-Agoncillo, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens,  Josh Ford, Gillian Vicencio, Thia Thomalla, Ervic Vijandre, Kimson Tan, Anne Feo, at Darla Sauler.
“This is a gathering of hearts and minds in service. The significance of the occasion will be determined not by the words and the lovely dresses, but by the fact that the Rotary Club of Balibago is fully prepared for community uplifting efforts. And I would like to share to you my three most favorite projects,” pahayag pa ni Miss Rei.
“While we are proud of our position, we must use our privilege, voice, and  success to benefit others.
“When you’re granted a seat at the table, let others sit beside you. Advocate for and beside them. Don’t leave anyone out, everyone belongs to everyone,” dagdag mensahe pa ng very generous na may-ari ng Beautèderm.
At bilang bagong president ng Rotary Club of Balibago, tatlong proyekto ang kanyang pinangakong gagawin.
Una na rito ang “Rise Up, Glow Up” na ang objective ay mabigyan ng beauty and wellness pampering ang 20 kabataan sa BeauteHaus Clinic.
Pangalawa ang “Yes to Love” project kung saan sa bawat Beautederm product na mabebenta mula sa participating branches sa Beautederm Headquarters, Marquee Mall, SM Clark, at SM Baguio ay may five pesos na ido-donate sa End Polio campaign ng Rotary Club International.
Panghuli ay ang “Contribeaut: Scholarship Grants for College Students” kung saan 10 estudyante mula sa Pampanga ang mabibigyan ng college scholarship.
Bukod dito, nagsagawa na rin sina Ms. Rhea ng “Handog ng District 3790 sa Kabataan” kasama ang Kapuso stars at Belle Dolls ambassadors na sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix at nakinabang dito ang Grade 3 students ng Sto. Domingo Integrated School.
Nakakabilib talaga si Miss Rei dahil sa rami na ng kanyang ginagawa at responsibilidad, heto at may bago naman siyang organisasyon, na sigurado naman kami na kayang-kaya niyang pamunuan.
(ROHN ROMULO)