• April 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod sa nadagdagan na naman ang autoimmune disease: KRIS, kinumpirmang naka-wheelchair na dahil ‘di na makalakad

ANG latest update kay Kris Aquino, bukod sa nadagdagan na naman ang kanyang autoimmune disease, hindi na raw siya nakalalakad at naka-depende na siya sa wheelchair.

Kaya pala yung lumabas na larawan ni Kris kunsaan, karga siya ni Bimby sa pagpunta lang ng comfort room, yun ang sagot. Nag-post si Kris sa kanyang Instagram account kunsaan noong Linggo, sinabi niyang ang anak na si Bimby na ang magte-takeover o hahawak ng kanyang Instagram account na merong 4.8 million followers.

Part ng post ni Kris, “Let’s have fun. Bimb will soon take over my IG (with me checking before he posts) get to know us because we are very different people now.”
Tinupad naman nga ni Kris at sinagot ang ilang tanong ng kanyang followers na tingin niya ay worth answering. Sa mga sagot niya namin nalaman na sa may tabing dagat pa rin sila nakatira at nadagdagan na naman ang sakit niya.
Ayon kay Kris, “not just for Kuya Josh and Bimb yung effort kong lumaban. I now have 9 primary autoimmune diseases, #10 is the result of the 9, and I have an 11thdisease that came about because of my lupuus, rheumatoid arthritis, sjogren’s and a few of my autoimmune diseases. I love my sons and they’re aren’t ready to lose me—especially Bimb who just turned 18.”
At dito rin nga sinabi ni Kris kung saan na siya nakatira ngayon. Na pagmamay-ari raw ng kanyang Kuya—posibleng ang namayapang President Noynoy Aquino ang tinutukoy ni Kris.
“I am currently staying at the compound of a very kind friend of my brother. This place is very peaceful and living where I get fresh sea air and listen to the waves was always my dream. Too bad I am now wheelchair bound. I still need to learn how to walk again.”
Sa isang banda, siguradong nakakahugot din ng lakas si Kris sa kanyang mga followers na patuloy na nagsasabing kasama siya sa dasal na gumaling na siya.
***
ITINANGGI ni Klea Pineda nang maging guest siya sa ‘Fast Talk ni Kuya Boy Abunda’ kung may third party involved ba sa break-up nila ng kanyang girlfriend na si Katrice Kierulf.  
Ayon kay Klea, wala raw cheating na naganap.
Pero mukhang iba ang nagiging impression ng mga netizens at damay rito si Janelle Salvador. Kung bakit, si Janella ang tinuturo ng ilang netizens na diumano’y third party.
Bukod sa larawan nilang magkasama na kasabay ng break-up issue, nandiyang may mga naglalabasan din from some netizen’s accounts na kesyo spotted daw sina Klea at Janella sa ilang pagkakataon, lalo na sa BGC.
At may anggulo pa na sa kanyang Tiktok account, nila-like raw ni Katrice kapag may nagtatanong rito kung si Janella ba ang third party. So para na raw kinukumpirma nito?Naku ha, kung may katotohanan talaga ang Janella-Klea or whatever, isa lang ang sigurado, lalabas din ang katotohanan.
 
 
(ROSE GARCIA)