Tulak, huli sa akto sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Valenzuelav
- Published on July 23, 2025
- by @peoplesbalita
BAGSAK sa kulungan ang isang construction worker na sangkot umano sa pagbebenta ng illegal na droga matapos makipagtransaksyon sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa Valenzuela City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, kinilala ni Valenzuela Police OIC chief P/Col. Gerson Bisayas ang naarestong suspek na si alyas “Jun”, 48, ng Brgy. Ugong.
Nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni P/Capt. Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y pagbebenta ng suspek ng shabu kaya ikinasa ng SDEU ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA.
Hindi na nakapalag ang suspek nang dambahin ng mga tauhan ni Capt. Dorado, sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil makaraang bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-11:55 ng gabi sa Lamesa St., Brgy. Ugong.
Nakumpiska sa suspek ang nasa 15 grams ng suspected shabu na may estimated street value na P102,000, buy bust money, recovered money at coin purse.
Ayon kay P/MSgt. Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11, under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kanilang isinampa laban sa suspek sa pamamagitan ng inquest proceedings sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni Gen. Protacio ang operating team sa kanilang mabilis at decisive action na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang drug personality. “This operation is a testament to our unrelenting campaign against illegal drugs and our commitment to a drug-free community,” aniya. (Richard Mesa)