• April 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sofronio Velasquez, aawit ng National Anthem sa SONA

KULANG sa dalawang linggo bago ang State of the Nations Address (SONA) ni Pangulong Marcos, nagsagawa ng pagpupulong ang mga opisyal ng Office of the President, House of Representatives at Senate of the Philippines.
Sa pagpupulong ng tatlo na ginanap sa Palasyo, tinalakay nila ang mga usapin sa seguridad, traffic rerouting, contingency measures at iba pang paghahanda tulad ng kung sino ang kakanta ng national anthem. Ngayon taon, ang kakanta nito ay ang The Voice Season 26 winner na si Mr. Sofronio Velasquez.
Tulad ng mga nakalipas na paghahanda, magkakaroon ng zipper lanes sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, mula Quezon Memorial Circle hanggang HRep Complex sa Hulyo 28, simula alas-9 ng umaga.
Nakatakda namang magsagawa ng ocular inspection sa Kamara sa Hulyo 21. (Vina de Guzman)