• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH Consulate, naghahanda para sa pagpapauwi ng mga nasawing Pinoy sa Vancouver attack

NAGHAHANDA na ang mga opisyal ng Pilipinas sa Canada sa pagpapauwi ng mga labi ng mga Filipino na namatay sa April 26 attack sa street festival sa Vancouver na nag-iwan ng 11 katao na nasawi.
Sinabi ni Maria Andrelita Austria, Manila’s ambassador to Ottawa, na naka-monitor din ang embahada sa kalagayan ng mga Filipino na kabilang sa mga nasaktan matapos na rumagasa ang sasakyan sa crowd na nagdiriwang ng Filipino heritage sa Lapu-Lapu Block party.
“The consulate is currently facilitating the repatriation of the remains of Filipino nationals who lost their lives and are in close coordination with the families of the victims. Assistance is being provided to the affected families,” ayon kay Austria sa isang kalatas.
Sa ulat, kinasuhan ng British Columbia Prosecution Service ang suspek na si Kai-Ji Adam, 30 anyos, residente ng Vancouver, nang walong bilang ng second degree murder at posibleng madagdagan pa ang kaniyang kinakaharap na kaso.
Hindi naman nagbigay ang Austria ng pagkakakilanlan ng mga biktima o nagpahayag kung ang lahat na nasawi ay Filipino o Filipino-Canadians.
“We continue to monitor the status of the injured and are working closely with Canadian authorities to ensure that justice is served,” ayon sa diplomat.
Noong nakaraang linggo ay nakapulong ng Austria ang pinakamahalagang provincial at municipal officials, kinatawan ng Vancouver Police Department at miyembro ng Filipino community.
Nagbabala naman ang embahada sa publiko laban sa indibiduwal o grupo na nagpapanggap na biktima o nagso- solicit ng donasyon.
“Please ensure that any donations or assistance are directed only through verified organizations or individuals,” ang sinabi ng embahada. ( Daris Jose)