LENTE at COMELEC nagsagawa ng Voters Education Seminar sa Bilibid
- Published on May 1, 2025
- by @peoplesbalita
NAGKASA ang Commission on Elections (COMELEC) at Legal Network for Truthful Elections (LENTE) ng voter’s education seminar para sa 500 persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison noong Abril 28.nnMay temang “PDL: Pantay Dapat Lahat” sa Inmate Visitation Services Unit ng Maximum Security Camp ang ginanap na programa.nnAyon kay LENTE Executive Director Atty. Ona Caritos at COMELEC Muntinlupa Election Officer Atty. Kimberly Joy Alzate-Cu, layon ng voter education sa mga PDL na bigyan sila ng kaalaman ukol sa kanilang karapatang bumoto at sa kahalagahan ng partisipasyon sa halalan.nnLayunin nitong bigyang-kaalaman ang mga PDL tungkol sa kanilang karapatang bumoto at sa kahalagahan ng partisipasyon sa halalan.nnMahalaga na malaman ng bawat Pilipino kabilang ang mga bilanggo na may karapatan silang bumoto, ayon pa sa LENTE at Comelec.nnSa nasabing programa, tinalakay din ang proseso ng pagboto at kung paano ito nakaapekto sa kanilang kinabukasan.nnBahagi ito ng mas malawak na kampanya ng Comelec at LENTE upang tiyaking walang Pilipinong maiiwan sa demokratikong proseso. (Gene Adsuara)