• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAYO UNO KILOS PROTESTA, HANDA ANG MPD

HANDA na ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa inaasahang malaking kilos protesta ngayong Labor Day o Mayo Uno.
Sa panayam kay MPD Director P/Brig.General Benigno Guzman, mahigit kumulang 3,000 kapulisan ang kanilang idedeploy sa mga lugar na maaaring pagdausan ng protesta ng mga militate at iba pang grupo sa pribado at pampublikong sektor.
Ayon kay Guzman, kabilang sa mga lugar na maaring pagdausan ng programa ng mga rallyista ay ang Liwasang Bonifacio, Mendiola, Plaza Miranda .
Magde-deploy din ng tauhan sa labas ng tanggapan ng Department of Labor of Employment (DOLE) dahil inaasahan din na may susugod rito para manawagan.
“Yung DOLE meron din tayo (deployment) diyan dahil Labor Day nga, posibleng meron ding magtutngo duon paar magprotesta”, sinabi ni Guzman.
Ayon kay Guzman, ito ay upang matiyak ang kaayusan, kapayapaan at seguridad sa pagdiriwang ng Labor Day.
 (Gene Adsuara)