• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MRT 3, LRT 1 and 2 libreng sakay mula April 30, May 1, Araw ng Paggawa hanggang May 3

LIBRENG sakay ang handog ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa lahat ng mga mananakay ng MRT 3, LRT 1 and 2. sa darating na May 1, Araw ng Paggawa.
Sa isang video message, sinabi ni Pangulong Marcos na nais niyang magbigay ng kaunting parangal sa mga manggagawa sa Araw ng Paggawa.
“Nais kong sabihin sa lahat ng ating mga commuter ay inutos ko na para magbigay ng ating kaunting parangal sa ating mga manggagawa dito sa ngayon nasa – kasama sa Labor Day Celebration ay maging libre ang sakay sa MRT 3, LRT 1 and 2,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ito aniya ay mula April 30 hanggang May 3.
“Ito ay bilang kaunting pagkilala sa sakripisyo at ang kontribusyon ng ating mga manggagawa hindi lamang sa ating ekonomiya kundi sa ating lipunan. Happy Labor Day!,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.