• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 Russian national na namatay sa diving lesson, narekober ng PCG

 DALAWANG Russian national ang narekober ng Coast Guard Batangas na namatay sa kanilang diving session malapit sa Verde Island, Batangas City noong Huwebes.

Ayon sa inisyal na ulat, isa sa biktima ang agad na dinala sa St.Patrick Hospital sa Batangas City ngunit idineklarang dead on arrival.

Ang isa pang dayuhang biktima ay huling natagpuan na wala nang kanang braso.

 

Hinihinalang inatake ng pating ang mga biktimang diver na nagresulta ng kanilang pagkamatay.

Wala pang inilalabas na karagdagang impormasyon at detalye ang Philippine Coast Guard (PCG) hinggil dito. (Gene Adsuara)