SOFRONIO, sabik nang umuwi ng Pilipinas para makapiling ang pamilya sa Pasko
- Published on December 23, 2024
- by @peoplesbalita
HABANG nasa Taipei, Taiwan, hindi pinalagpas ni Miguel Tanfelix ang pagkakataon na gawin ang isa sa sikat na tourist activity dito ang pagpapalipad ng lantern.
Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Miguel ang video nang pagpapalipad niya ng lantern para sa bago niyang primetime show na Mga Batang Riles.
Sinulatan ni Miguel ang kanyang lantern ng “Nasa riles ang tunay na aksyon! Mga Batang Riles.”
Noong December 8, dumalo si Miguel sa “Paskong Pinoy 2024: Piyesta, Musika at Kultura” na ginanap sa Fu Jen Catholic University sa Taipei, Taiwan.
Samantala, makakasama ni Miguel sa upcoming Kapuso action series ang Sparkle stars na sina Kokoy De Santos, Raheel Bhyria, Bruce Roeland, at Antonio Vinzon.
Abangan ang Mga Batang Riles ngayong Enero 2025 sa GMA Prime.
***
SABIK na raw umuwi ng Pilipinas ang kauna-unahang Asian at Filipino na manalo sa ‘The Voice USA’ na si Sofronio Vasquez para makapiling ang kanyang pamilya sa Pasko.
“To all the Filipinos out there, maraming maraming salamat po sa suporta niyo. I can’t wait to go home and celebrate and bring the trophy,” mensahe pa niya.
Sunod na tutuparin na dream project ni Sofronio ay ang kumanta sa isang malaking stadium at manalo ng Grammy Awards.
Malaki ang pasasalamat ni Sofronio sa kanyang coach, ang Canadian singer-songwriter na si Michael Bublé dahil sa payo nito na “just believe in the process and not rush everything.”
***
NOONG August 2024 pa pala engaged sina Selena Gomez at Benny Blanco, pero nitong nakaraang Dec. 11 lang nila pormal na in-announce.
Ang dahilan ni Selena kung bakit after five months pa nila sinabi sa publiko ay dahil ayaw niyang isabay ang engagement nila sa panganganak ng misis ni Justin Bieber na si Hailey.
Ayon sa Daily Mail: “They got engaged in August. And Selena didn’t want their engagement to be linked to Bieber in any way. Because they knew that if they announced it right there, people would link the two news stories. Selena knew there would be people who would accuse her of getting engaged to divert attention away from Justin’s baby and take the spotlight away from him. Even, that people would say she did it because she’s not over him yet.”
(RUEL J. MENDOZA)