Nawawalang mangingisda, natagpuan na
- Published on March 13, 2024
- by @peoplesbalita
NATAGPUAN na ng mga tauhan ng Coast Guard District Northwestern Luzon ang isang mangingisda na tatlong araw nang pinaghahanap sa baybayin ng Agno, Pangasinan.
Kinilala ng PCG ang mangingisda na si Dexter Abalos, 32 anyos at nakatira sa Brgy.Aloleng Agno, Pangasinan na pumalaot pa noong Pebrero 7.
Gayunman, nang pabalik na ito sa pampang, tinamaan ng dolphin ang kanyang motorbanca dahilan para tumaob.
Sa kabila nito, nagawa niyang lumangoy hanggang fish markerĀ o payao at itinali ang kanyang motorbanca .
Naghintay ng ilang araw para siya ay ma-rescue.
Sa tulong ng PCG Aircraft (BN ISLANDER PCG- 251), natagpuan ang mga mangingisda ngĀ air surveillance na ikinasa ng Coast Guard Aviation Force (CGAF) ngayong Lunes ng umaga. GENE ADSUARA