PBBM, lalagdaan ang 2024 National Budget ngayong linggo- Speaker Romualdez
- Published on December 20, 2023
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG tintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na batas ngayong linggo ang P5.76-trillion 2024 national budget.
“It’s ready for [signing], I think, [on] Wednesday. Wednesday na ata ‘yung signing po,” ayon kay Speaker Martin Romualdez sa mga mamamahayag sa Tokyo, araw ng Lunes.
Tinanong kasi si Romualdez ng mga mamamahayag kung kailan lalagdaan ng Pangulo ang national budget.
Idinagdag pa nito na nais sana ni Pangulong Marcos na lagdaan ang national budget upang maging ganap na batas bago pa lumipad patungong Japan.
Nilinaw naman ni Romualdez na nananatiling mayroong ilang printing requirements ang kailangan bago pa lagdaan ng Pangulo ang national outlay document. (Daris Jose)