Matutupad na ang isa sa mga matagal na pangarap: ALDEN, sisimulan na ang movie na siya ang aktor, producer at direktor
- Published on November 29, 2023
- by @peoplesbalita
SI Zoren Legaspi ang sinalang ni Carmina Villarroel sa segment ng ‘Sarap, Di’ Ba?’ last Saturday na Hot Seat.
Tinanong si Zoren na kung may gagawing movie si Mina at siya ang direktor, sino ang kukunin niyang aktor bilang leading man na dating na-link kay Mina?
Habang binabasa nga ni Carmina ang tanong, pabirong pinipikot nito ang tenga ni Zoren para maging maingat sa pagsagot.
“Na-link sa ‘yo?,” tanong ni Zoren na tila nag-isip kung sino ang babanggiting aktor.
Lalong kinabahan si Carmina nang sabihin ni Zoren na gusto niyang tatlo ang magiging leading man ng kanyang asawa sa naiisip niyang pelikula.
“Naalala n’yo yung ‘3 Men and A Baby’? Ito 3 Men and A Sweetheart.’ Ikaw, yung sweetheart,” sabi ni Zoren kay Carmina.
Kasunod nito ay tinukoy na ni Zoren ang mga magiging leading man ni Carmina: sina Smokey Manaloto, Keempee de Leon, at Piolo Pascual.
“Si Smokey sa comedy, si Keempee parang college-college, yung romance si Piolo,” sabi pa ni Zoren na ikinatuwa naman ni Mina.
Biro ni Carmina sa mister: “Humanda ka sa akin mamaya sa bahay. Pa-action-action star ang image, patay ka sa ‘kin.”
Sa isang episode noon ng ‘Sarap, ‘Di Ba?’, naungkat ang tungkol sa isang aktor na muntik nang makatuluyan ni Carmina na nasa “kabilang” network. Si Zoren pa mismo ang nagpaalala kay Mina tungkol sa aktor na iyon.
***
MATUTUPAD na ang isa sa mga matagal na pangarap ni Alden Richards na magkaroon ng pelikula kung saan siya rin ang producer, aktor at direktor.
“This is my first directorial job. May script na kami, may cast na kami, and excited ako for this. This is happening before Christmas,” masayang balita ni Alden.
Thankful naman si Alden sa narating ng pelikula nila ni Julia Montes na ‘Five Breakups and a Romance’. Umabot ng mahigit sa P60 million in gross sales ang pelikula at patunay lang na nagbabalik na ang audience sa mga sinehan.
“Sobrang worth it kasi lahat ng pagod namin, all of the producers, GMA, Cornerstone, and Myriad Entertainment, this is the fruit of it. This is the reward of it, and this goes to show talaga na ‘pag you work hand-in-hand with your partners; whatever your project is, or kung ano mang meron kayo na pinagtatrabahuhan, all together will prosper,” sey ni Alden na mapapanood kasama si Sharon Cuneta sa Metro Manila Film Fest entry na ‘Family of Two (A Mother and Son Story)’.
(RUEL J. MENDOZA)