PBBM, umaasa na matitigil na ang 4Ps dahil sa food stamp program
- Published on July 21, 2023
- by @peoplesbalita
UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matutuldukan na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil sa food stamp program. “Sana. Ibig sabihin kasi pag kaya na natin itigil ‘yan, sasabihin natin ibig sabihin wala ng nangangailangan. Maganda talaga kung maabot natin ‘yun. Pero kahit papano kung minsan tinatamaan halimbawa ng bagyo, tinatamaan ng peste, tinatamaan ng kung anu-ano eh kailangan pa rin tulungan,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam matapos ang isinagawang “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program Kick-Off Activity sa Don Bosco Youth Center Tondo, Technical Vocational Education and Training Center, Tondo, Lungsod ng Maynila.
“‘Yung 4Ps eh ‘yung pantawid ‘yun eh. So kung hindi na kailangan magtawid ibig sabihin may trabaho na, may kaya na ang tao, kahit man lang mapakain ang sarili, ang pamilya, sana umabot tayo sa ganoon,” dagdag na wika nito.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati na ang poverty alleviation ay “ultimate goal” ng kanyang administrasyon sa pagtatapos ng 2028.
“We have always tried to rise up from the throes of poverty but the problem of hunger and malnutrition still remains. And that’s why it has become a priority of this government that we will fight all the poverty. We will put in all the programs so that one day we can say that we are able to give our people, at the very least, the food that they need to survive, the nutrition that they need to survive,” lahad ng Punong Ehekutibo.
“That is the dream of this administration. That is what we are hoping to achieve in this administration, that by the end of 2028, we can say that we have done everything to reduce.” (Daris Jose)