• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Trabaho para sa seniors, PWDs tuluy-tuloy sa Maynila

TULOY pa rin ang pagsisikap ng pamahalaang lungsod na mabigyan ng pagkakataong makapasok ng trabaho ang mga senior citizen at persons with disability (PWDs) upang maitaas ang kanilang moral.

 

 

Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna, na paborito niya ang mga senior citizen at PWDs  na mabigyan ng trabaho dahil hindi lamang para kumita ng pera, kundi maramdaman din nila na sila ay productive at  hindi  pabigat sa pamilya.

 

 

“Kung inyong nasusubaybayan, ang paborito po naming talagang hinahanapan ng trabaho, basta willing and able sila and they have a clearance from their doctors na puwede pa silang magtrabaho ay talagang hinahanapan namin sila,” ayon pa sa alkalde.

 

 

Masuwerte aniya, ang Maynila dahil sa marami ang food chains na sumusuporta at tumutulong sa lokal na pamahalaan na mabigyan ng trabaho ang senior citizens at PWDs kaya pinasalamatan natin sila.

 

 

“Kapag lahat ay nabibigyan ng opportunity na magtrabaho, ito ay isang paraan para kahit anong edad maging productive sila. Kailangan po natin ng manpower at ‘yung job opportunities… it’s just a matter of kung aakma sila sa job opportunity na naibibigay sa kanila,” ani Lacuna.