• April 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 73 million Filipino, fully vaccinated na kontra COVID-19 – DOH

NASA  mahigit 73 million Pilipino na ang fully-vaccinated kontra Covid-19 ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Sa datos noong Enero 8, 2023, nasa 6.9 million senior citizens ang bakunado na, 10 million sa mga kabataan at 5.4 million naman sa mga bata na edad 5 hanggang 11 anyos.

 

 

Iniulat din ng DOH na halos 21.2 million indibdiwal na ang nakatanggap ng unang booster dose at halos 3.8 million naman ang naturukan na ng ikalawang bosster shots.

 

 

Nagpaalala naman ang DOH sa publiko na makakatulong para maprotektahan ang ating sarili laban sa viral disease ang patuloy na pag-obserba ng minimum public health standards.

 

 

Iniulat din ngayong araw ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na patuloy na bumababa ang kaso ng Covid-19 sa bansa.