• April 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mister isinelda sa pangmomolestiya sa live-in partner ng anak

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang contractor matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa live-in partner ng kanyang anak sa Navotas City,  ng madaling araw.

 

 

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na kinilala lang sa alyas “Rudy”, 44-anyos, contractor at residente ng Brgy. NBBS Proper.

 

 

Sa report ni PCpl Myra Guiruela kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, dakong alas-3 ng madaling araw nang magising ang biktima na itinago sa pangalang “Ligaya”, 21, matapos marinig ang pagtatalo ng kanyang live-in partner at ng suspek sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. NBBS Proper.

 

 

Dito, napansin ng biktima na nakahubad na ang kanyang short saka nagtaka siya kung bakit nasa tabi niya ang suspek at nang kanyang komprontahin ay dali-daling lumabas ng kuwarto.

 

 

Nang tanungin ng biktima ang kanyang live-in partner kung anu ang nangyari ay sinagot siya ng “Hinubaran ka na hindi mo pa alam” bago kinompronta naman ng partner niya ang ama nito ng “Pa bakit mo naman ginawa sa asawa ko yun”.

 

 

Matapos nito, humingi ng tulong ang mag-live-in partner sa mga tauhan ng Sub-Station 4 ng Navotas police na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)