Ombudsman kinuwestiyon ang DA at FTI sa pagbili ng mahal na sibuyas
- Published on January 13, 2023
- by @peoplesbalita
HININGI ng Office of the Ombudsman ang paliwanag ng mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Food Terminal Inc. (FTI) sa pagbili sa mataas na presyo ng sibuyas sa isang kooperatiba.
Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, nais niyang malaman ang katwiran sa pagbili ng dalawang ahensiya ng P537 kada kilo ng sibuyas mula sa Modena Multi-Purpose Cooperative.
Sa sulat ni Martires sa mga opisyal, hihingiin niya ang paliwanag ng mga ito kung saan hinugot ang P140 milyon na ipinambili ng sibuyas.
Nabatid na ang FTI naman ang ginamit na ahensiya sa pagbili ng mga sibuyas mula sa kooperatiba.
Ang mga biniling sibuyas ay ipinagbili naman sa Kadiwa Stores sa halagang P170 kada kilo.
Ang paliwanag ng mga nabanggit ay magiging bahagi na ng isasagawang imbestigasyon ng Ombudsman hinggil dito. (Daris Jose)