DepEd employees, pinasalamatan ni VP Sara sa pagseserbisyo sa kabataan
- Published on December 28, 2022
- by @peoplesbalita
PINASALAMATAN ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga tauhan ng Department of Education (DepEd) dahil sa kanilang dedikasyon at pagmamahal sa pagseserbisyo sa mga kabataang Pinoy.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Duterte na malaking pasasalamat niya sa mga tauhan ng DepEd sa patuloy na pagtatrabaho kahit na may banta pa rin ng COVID-19 at iba pang mga kalamidad.
“Nagpatuloy kayo sa paggabay at paglinang ng murang kaisipan ng ating mga kabataan para maabot nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.Mahalaga ang inyong papel sa ating pag-unlad bilang isang bansa,” pahayag ni Duterte.
Binati rin ni Duterte ang mga ito ng masayang pagdiriwang ng Kapaskuhan, mapayapa at mapagpala at puno ng pag-asa sa pagpasok ng Bagong Taon.
“Patuloy nating mahalin ang Pilipinas,” sabi pa ni Duterte. (Daris Jose)