• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGWASAK SA MAY P7.5-B HALAGA NG IBAT-IBANG URI NG DROGA NG PDEA SINAKSIHAN NI PDU30

AABOT sa halagang P7,510,840,985 na halaga ng iba’t ibang uri ng droga at mga sangkap nito ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang Integrated Waste Management system sa may Trece Martirez sa Cavite.

 

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Vilanueva ay ito ay pagsunod  sa batas at sa mahigpit na utos na rin ni President Rodrigo Roa Duterte, na sinaksihan mismo ang pagwasak ng mga droga, na lahat ng mga kumpiskadong droga ng PDEA mula sa kanilang mga anti-drug operations ay dapat  wasakin, upang maiwasan na ma recycle ito.

 

Pinaka maraming droga na winasak ng PDEA ay ang shabu na umabot sa halos 240 kilo na may street value na aabot sa P7,314,615,343. Masasabing ito na ang isa sa pinakamalaking pagwasak ng PDEA sa mga droga. (RONALDO QUINIO)