TRASLACION, PINAL NA WALA NA MUNA
- Published on November 23, 2022
- by @peoplesbalita
PINAL na na wala munang magaganap na tradisyunal na Traslacion at sa halip ay isang “Walk of Faih” o Lakad ng Pananampalataya para sa pagdiriwang ng Pista ng Nazareno sa Lungsod ng Maynila sa Enero 2023
Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na napagkasunduan na sa ginanap na pulong ng Manila Local Government at at mga kinatawan ng Simbahan na muna isasagawa ang tradisyunal na Traslacion, at sa halip ay isasagawa ang “Walk of Faith” o Lakad ng Pananampalataya at asahan ang araw-araw na mga misa.
Pinalitan naman ng “Pagpupugay ” ang “Pahalik” sa Quirino Grandstand kung saan maaaring lapitan at hawakan ang Poon, pero bawal ang paghalik sa imahen lalo’t may banta pa rin ng COVID-19.
Sa ngayon ay mga “technical” na preparasyon ang inihahanda, at ang pinal na latag para sa okasyon ay manggagaling sa Quiapo Church, kasama na ang ruta ng Walk of Faith at iba pa ayon kay Lacuna .
Tiniyak naman nito ang buong-pwersang deployment ng Manila Police District o MPD, Manila Fire Department, Manila Health Department at iba pang departamento ng Manila LGU upang masiguradong magiging mapayapa at maayos ang paggunita sa Pista ng Itim na Nazareno.
Sinabi ni Lacuna na magdaraos ng panibagong pulong balitaan ang Manila LGU at Simbahan ng Quiapo, ilang araw bago ang Pista para sa iba pang isyu na pag-uusapan. GENE ADSUARA