• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang ng mga Pinoy na target mabakunahan ng aangkating Covid-19 vaccine, sapat na upang makamit ang herd immunity- Malakanyang

TIWALA  ang Malakanyang na maaabot ng gobyerno ang tinatawag na herd immunity sa gitna ng target na makapagbakuna ng  hanggang 60 milyong mga filipino.

 

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson  Harry Roque kasunod ng naging pahayag ni Dr Tony Leachon na para maabot ang herd immunity ay kailangang 60 hanggang 70 porsiyento ng populasyon ng bansa ay kailangang  mabakunahan nang sa isa lamang bagsakan.

 

Batay na din aniya kay vaccine czar Carlito Galvez, sinabi ni Roque na  sapat na ang 50 million vaccination na target ng  gobyerno para sa herd immunity.

 

Maliban dito, sinabi ni Sec. Roque na  inaasahan nilang marami ding mga private pharmaceuticals ang magkakaroon ng pribadong immunization na hindi naman aniya tututulan ng pamahalaan basta ma-approve lang ng FDA.

 

Ang herd immunity ay mangyayari kapag mayorya sa isang komunidad ay immune na sa isang infectious disease na makapagpapahinto sa pagkalat pa ng virus.

 

Ito ay sa pamamagitan ng natural immunity na nakapitan na ng virus at ang isa’y sa pamamagitan naman ng pagbabakuna. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)