• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para sa horror-drama short film na ‘Umbra’: Newbie Pinoy film maker na si Direk MIAH, nag-uwi ng two international filmfest award

NAKASUNGKIT agad ang baguhang Pinoy film director ang dalawang major film award sa dalawang international film festival sa India. 

 

 

Ito ay si Jeremiah P. Palma na nagdirek ng low-budget short film na ‘Umbra.’

 

 

Libo-libong pelikula mula sa iba’t ibang bansa ang nakalaban ng up-and-coming indie filmmaker, pero siya ang nakakuha ng Best Director award para sa horror-drama, na kung saan first time niyang mag-submit sa international film fests.

 

 

Siya ang itinanghal na Best Director sa  Roshani International Film Festival na pinangunahan ng Film Education and Welfare Foundation sa Aurangabad, India at sa Venus International  Film Festival 2022 (Hulyo 3, 2022).

 

 

Ginagamit ng festival ang media platform bilang instrumento para kumonek sa mga manonood sa iba’t ibang siyudad, bansa, at kontinente.

 

 

Ito ang ikatlong taong isinasagawa ang festival, na nilahukan ni direk Palma na siyang director-in-charge sa Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. (KSMBPI) Film Division, na nasungkit ang pangaral noong Hulyo 24, 2022 ng pelikulang UMBRA.

 

 

Bago sa FEWF, itinanghal muna siyang Best Director sa parehong  pelikula sa Venus International  Film Festival 2022 (Hulyo 3, 2022).

 

 

Si Palma ay kilala rin sa tawag na Direk Miah na nagsimulang magdirek ng music video at short films noong 2020.

 

 

Ang kanyang film outfit, ang MAYA Film kasama ang KSMBPI Film Division ay nag-collaborate para sa produksiyon ng ‘Umbra’, isang indie film na ipinakita sa  international film forum.

 

 

Ang dalawang international film awards na nakamit ni Palma ay malaking tulong upang lalong tumaas ang antas at kalidad ng pelikulang Filipino at magbubukas ng dagdag na oportunidad para sa industriya ng film industry.

 

 

Mapapanood din ang pelikula sa Pilipinas matapos maipalabas globally.

(ROHN ROMULO)