• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 3:08 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

26 milyong Pinoy sadlak sa hirap – POPCOM

UMAABOT na sa 26 milyon ang mga Filipino na sadlak sa hirap o nasa ilalim na ng tinatawag na “poverty line”.

 

 

Sa Laging Handa press briefing, tinukoy ni Commission on Population (POPCOM) Undersecretary Juan Antonio Perez III ang pag-aaral na ginawa ng Philippine Statistics Authority ukol sa kahirapan sa Pilipinas kung saan ikinum­para ang unang bahagi ng 2018 at unang bahagi ng 2021.

 

 

Sinabi ni Perez na nakita na tumaas ang bilang ng pamilyang naghirap mula sa 4 milyon ay na­ging 4.6 milyon o 23% ng populasyon.

 

 

Ipinaliwanag ni Perez na ang poverty line ay itinakda sa kitang P12,000 kada buwan at hindi umaabot sa nasabing halaga ang kinikita ng nasa 26 milyong Filipino.

 

 

Tumaas ang bilang ng mga mahihirap sa mga lugar na mataas ang na­ging kaso ng COVID-19 katulad ng National Capital Region, Central Luzon, at Central Visayas.