Shakur Stevenson, dinomina ang laban kay Oscar Valdez para ma-unify ang super featherweight titles
- Published on May 2, 2022
- by @peoplesbalita
HAWAK na ngayon ng American Olympian Shakur Stevenson ang The RING, WBO at WBC world super featherweight titles.
Kasunod na rin ito ng kanyang panalo sa pamamagitan ng 12-round boxing clinic laban sa undefeated boxer na si Oscar Valdez.
Ginanap ang laban sa MGM Grand sa Las Vegas, USA.
Dinomina ni Stevenson, 24, si Valdez dahil sa kanyang crisp jabs at speedy combinations.
Naging aggressor si Valdez sa laban pero pagdating ng ika-anim na round ay natumba ito sa pamamagitan ng right hook na sinundan ng uppercut.
Hindi naman sumuko si Valdez pero hindi na ito nakabawi hanggang sa matapos ang laban.
Lahat ng judges ay pumabor kay Stevenson matapos ang 12 round.