• April 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7 PASAHERO NG MOTOR LAUNCH NASAGIP NG COAST GUARD

PITONG pasahero ng motor launch ang nasagip ng mga tauhan ng  Philippine Coast Guard (PCG) Station Roxas at Bantay Dagat Roxas sa karagatang sakop ng Zabala Reef , Barangay Caramay, Palawan

 

 

 

Sa ulat ng PCG, nakatanggap ito ng distress call mula  ML MRRL’s skipper na si Ricky Conge kaya nagsagawa ng  the joint search and rescue (SAR) team.

 

 

 

Ayon kay Conge, nagambala ang propeller ng motor launch habang naglalayag sa Tulariquin Reef at Zabala Reef patungong Barangay Sta. Teresita, Dumaran, Palawan.

 

 

Ang mga nasagip na pasahero ay dinala sa Roxas Feeder Port, habang ang  motor launch ay hinila gamit ng motorized boat. GENE ADSUARA