• June 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7 indibidwal, nasilo sa sugal, droga sa Valenzuela

PITONG indibibwal kabilang ang tatlong hinihinalang drug personalities ang arestado nang maaktuhang naglalaro umano ng illegal na sugal sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ulat ng Valenzuela Police Sub-Station 7 kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, habang nagsasagawa ng anti-criminality operation ‘Oplan Galugad’ ang kanilang mga tauhan sa Avocado St., Brgy., Bagbaguin nang maaktuhan ang dalawang kelot na nagsusugal umano ng ‘caray y cruz’ dakong alas-11:21 ng Sabado ng gabi.

Nilapitan nila ang dalawa saka inaresto at nakumpiska sa kanila ang bet money, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha umano kay alyas “Jesi”, nasa hustong gulang.

Nauna rito, huli din sa akto ng mga tauhan ng Police Sub-Station 5 ang dalawang lalaki na naglalaro rin umano ng ‘cara y cruz’ sa loob ng Polo Public Cemetery sa Maligaya St., Brgy. Palasan pasado alas-5:31 ng hapon. Nasamsam sa kanila ang perang taya, at pangara habang ang isang plastic sachet ng umano’y shabu ay nakuha umano kay alyas “Edgar”, 60.

Bandang alas-2:45 naman ng Biyernes ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng Police Sub-Station 3 ang tatlong indibidwal na nagsusugal din umano ng ‘cara y cruz’ sa Libra St., Brgy., Marulas. Nakuha sa kanila ang bet monet, pangara at isang plastic sachet ng sinasabing shabu na nasamsam umano kay alyas “Ronet”.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-Gamling Law) habang karagdagan na kasong paglabag R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang kakaharapin pa ng tatlong nakuhanan ng droga. (Richard Mesa)