Nagpapasalamat sa tiwalang ibinigay sa kanya: KATRINA, ginawang inspirasyon ang real-life daughter na si KATIE para sa role
- Published on July 23, 2025
- by @peoplesbalita
MALAKI ang naging pasasalamat ni Kapuso actress Katrina Halili para sa tiwala na binigay sa kaniya na gampanan ang karakter na si Emma sa hit GMA Afternoon Prime series na ‘Mommy Dearest.’Sa Facebook nagbahagi ng ilang litrato si Katrina mula sa serye at ilan na mula sa behind the scenes ng kanilang taping. Kalakip nito ang mensahe niya ng pasasalamat sa network at sa creatives ng kanilang serye.
“Thank you GMA network, sa mga bosses, production team, creatives ng Mommy Dearest, salamat po sa tiwala na ibinigay niyo po sa akin para gampanan si Emma,” sabi ni Katrina.
Kasama ni Katrina sa serye sina Camille Prats, na gumaganap bilang sina Olive at Jade, si Shayne Sava na ginagampanan naman ang karakter ni Mookie, at si Dion Ignacio bilang si Danilo.
Ayon sa aktres, ginawa niyang inspirasyon ang real-life daughter na si Katie para gampanan ang pagiging ina niya kay Mookie habang ginagawa nila ni Shayne ang kanilang mga eksena.
Pinasalamatan din ni Katrina ang iba pa niyang co-stars para sa pagkakaibigan at pagiging pamilya na nabuo sa pagitan nila.
“Sa mga taong nagmahal at sumuporta sa Mommy Dearest marami ng salamat po… Panuorin po natin ang huling linggo ng mommy dearest,” pagtatapos ni Katrina.
***
THE Tony Award-winning actress and Grammy-nominated singer, Nicole Scherzinger ay nag-final performance na sa Andrew Lloyd Webber musical na Sunset Blvd. after 20 previews and 312 regular performances sa St. James Theatre in New York City.
“Today, the sun sets on Sunset Blvd for the final time. After living and breathing Norma Desmond for the past two years, it’s almost impossible to grasp that today is the last show. What began as a limited run, then extended, now somehow, nearly 10 months on Broadway have flown by. For the dreamers. The fighters. The believers. The warriors. For those unshakable in their purpose and power, doing what they love most,” post niya sa Instagram.
Nagbukas on Broadway on October 2024 ang Sunset Blvd. after a successful run in London’s West End on Sept. 2023 hanggang Jan. 2024.
As Norma Desmond, napanalunan ng 47-year old former Pussycat Doll member ang awards mula sa Laurence Olivier at Tony Awards for best actress in a musical.
(RUEL J. MENDOZA)