55 miyembro ng CPP-NPA, sumuko
- Published on December 28, 2022
- by @peoplesbalita
KASABAY sa pagdiriwang ng ika-54 na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) kahapon (Dec. 26) ay siya namang pagsuko sa pamahalaan ng may 55 miyembro nito.Inihayag ito ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Major General Jonnel Estomo sa isinagawang programa kahapon ng umaga sa NCRPO headquarters sa Bicutan, Taguig City kung saan pormal na nag-withdraw ng kanilang suporta sa CPP-NPA sa pamamagitan ng panunumpa sa katapatan sa gobyerno ng Pilipinas ang mga nagsisuko.
Ang pagsuko ng mga dating rebelde ay kaugnay sa naging panawagan ni PNP chief Rodolfo Azurin Jr. na talikuran ang armadong pakikibaka, bumalik sa mainstream society upang maibalik ang matagal nang nawawalang kapayapaan at pagkakaisa sa bansa.
Ang panawagan ay ginawa ni Azurin kasunod sa pagkamatay ng kanilang lider at founder ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na si Joma Sision.
Iba’t ibang uri ng armas at bala; handheld radios; bandleirs, base radio module; mga cellphones; mga IED o PVC Pipe Bomb ang isinuko ng mga rebelde. (Daris Jose)