52% nais ang ‘fully empowered’ infra body- Pulse Asia
- Published on January 2, 2026
- by @peoplesbalita
MAHIGIT sa kalahati ng mga pinoy ang pabor na mabuo ang isang “ fully empowered Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC).”
Sa katunayan, lumabas sa “Ulat ng Bayan” Survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Dec. 12 hanggang 15 na 52% ng mga pinoy ang sumang-ayon na dapat na ang Kongreso ay “immediately” na maipasa ang batas ukol sa paglikha ng nasabing body—taliwas sa 33% na “somewhat agree” na madaliin na maisabatas ang batas at 15% naman ang hindi nakikita ang pangangailangan ng agarang maipasa ang batas.
Pagdating sa geographical areas, may 67% sa Metro Manila ang payag ng agarang maitatag ang ICAIC, kasunod ng 61% sa Visayas at 52% sa Luzon sa labas ng Maynila.
Ang mga tugon ay nahati sa Mindanao, na may 35% ang sumasang-ayon sa agarang paglikha ng ICAIC, 24% ang hindi sumasang-ayon at 41% ang undecided.
Pagdating naman sa social class, ang opinyon ay nahati sa Class C respondents, na may 40% ang sumasang-ayon, 20% ang hindi sumasang-ayon at 40% ang undecided.
Samantala, isinagawa ang survey na may face-to-face interviews sa 1,200 adults at mayroong margin of error na plus-o-minus 2.8%. ( Daris Jose)